MARTSA DE LA MOGPOG SENTRAL

MARTSA DE LA MOGPOG SENTRAL

Mahal naming Paaralan

Mogpog Sentral ang Pangalan

Guro’t Magulang may unawaan

Nagkakaisa sa isang adhikain

Karunungan ng bawat isa

Nagmula sa’yo sinta

Tagumpay ng bawat isa

Nakasalaysay inang paaralan

Mogpog Sentral

Pangala’y di lilimutin

Dunong yaman at tagumpay

Sayo lamang iaalay

Paaralang Mogpog Sentral

Ang sulo ng tagumpay

Ikaw sami’y naging tanglaw

Siyang nag-ukit ng katalinuhan

Pag-asa ng ating Bayan

Ikaw pa rin ang dahilan

Lahat kami ngayon sayo’y nagpupugay

Paaralang Mogpog Sentral!!!

Lahat kami ngayon sayo’y nagpupugay

Mabuhay ka Inang Paaralan

Mogpog Hymn

MOGPOG HYMN

Titik: Hildithia “Daisy” N. Osinsao

Musika: Celeste Manrique-Romulo

A.

Mogpog naming minamahal

Bayan naming sinilangan

Buhay dito ay tahimik

kahit salat sa yaman

‘Yan ang bayan naming minamahal

B.

Likas sa mga tagarito

ang pagiging matulungin

Dumaramay kanino man sa mga gawain

Mahilig sa kasiyahan, magalang, madasalin

masipag, matiyaga at malikhain.

Repeat A

May sariling kultura at mga kaugalian

na minana sa ninuno at mga magulang

Moriones at Putong, Buling Buling at Anunsyo

kulturang aming pinagyayaman.

Repeat A

Mogpogueño, Mogpogueño yan ang

tawag sa aming tagarito.

Mogpogueño, Mogpogueño magmahalan

lahat tayo.


MIMAROPA Hymn

MIMAROPA MARCH

Mimaropa mimaropa

Mga sangay may panghalina

Kadluan ng karunungan

Tanging hangad ika’y paglingkuran

Mimaropa mimaropa

Ika’y walang kapantay

Mga pulo sa karagatan

Pinagbuklod ng pagkakaisa

Oriental, Occidental Mindoro

Lungsod ng Calapan

Palawan, Puerto Princesa

Romblon, Marinduque

Nagniningning ang iyong ganda

Pag-asa ng baying sinta

DepEd, Rehiyon Apat

Mimaropa, Mabuhay ka!

Oriental, Occidental Mindoro

Lungsod ng Calapan

Palawan, Puerto Princesa

Romblon, Marinduque

Nagniningning ang iyong ganda

Pag-asa ng baying sinta

DepEd, Rehiyon Apat

Mimaropa, Mabuhay ka!

Mimaropa, Mimaropa

DepEd Rehiyon Apat, Mabuhay ka!

Marinduque March

MARINDUQUE MARCH


Isla kang hiyas ng bansa

Ganda mo’y bigay ni bathala

Mga dagat mo’t mga lupa

Sa yaman ay sagana

Ang iyong dagat ilog at kabundukan

Ay yaman ng kalikasan

Likha ng Diyos sa atin ibinigay

Ingatan ang karapatan

Halina at atin pagyamanin

Ang lupain ay ating bungkalin

Lakas talino ay ating gamitin

Nang umunlad ang bayan natin

Marinduque bayan nating minamahal

Pangako’y katahimikan

Ang sinuman sa iyo ay manahanan

Ligaya ang makakamtan

Sa puso’t isip ng iyong mamamayan

Payabungin ang iyong yaman

Nang sumagana lalong dumakila

Ang marinduke aming mutya

Tuesday, May 3, 2011

I Am A Teacher

(Music and Lyrics: Dioscoro B. Vicentino)

I'm a teacher, a purveyor of truth and light
I'm a teacher, I was born to improve mankind;
It's my duty to enlighten the world and guide the young to the path of the Lord.
I'm a teacher, I must teach what is good and right
I'm a teacher, I must live what I preach in life;
As a model citizen of the world, I must, in thoughts, words and deeds be so good.
In the children I write the future, in their learning I find great joy;
I may never sit on a throne but I'm contented, my life is full.
Yes, I'm a teacher; I must brave all the roaring waves and the fury of the river and windy seas;
I must climb on up the mountains and hills where children there wait for my love and care.
In a mountain or in a city, on an island where I may be I shall keep on bringing the light
And live as teacher until I die
I'll live as teacher until I die.

*We, teachers, are the supplier of knowledge and truth.
*We, teachers, shouldn't select assignment.
*Yes, I am a teacher not just a teacher "lang".
*Teaching is a profession that teaches other professions.
*Teacher! =j