Sangay ng Marinduque
PUROK NG MOGPOG
Mogpog
ULAT TUNGKOL SA PAMBAYANG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2009
Panimula:
Ang Pambansang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Araw ng Pambansang Bayani 2009 ay ginanap sa Paaralang Central at Mogpog Covered Court noong ika – 28 ng Agosto 2009. Ito ay pangalawang paligsahang itinaguyod ng Pamahalaang Bayan sa pamamagitang ng Kgg. Punong Bayan Senen M. Livelo, Jr. sa pakikipagtulungan ng DepEd. Ang paligsahan ay tungkol sa Sabayang Bigkas. Ang piyesa, gawain, patakaran at alituntunin ng paligsahan at mga gurong sangkot ay nakasaad sa kalakip na pampurok na Memorandum.
Unang Bahagi
A. Parada
1. Nagsimula sa ganap na ika 7:35ng umaga at natapos ng 8:12.
2. Pinangunahan ng watawat ng Pilipinas at ng mga batang iskawt ng Mogpog Central.
3. Sinundan ng streamer na nagtataglay ng tungkol sa paligsahan.
4. Kasama ang DLC ng Nangka Elementary School.
5. Mga batang kalahok na elementarya ay may dalang placard tungkol sa Buwan ng Wika at Araw ng Pambansang Bayani.
6. Mga guro at mga kawani ng pamahalaang bayan.
B. Pambungad na Palatuntunan
Mga pampasiglang bilang na inihanda ng Paaralang Mogpog Central at mensahe ng Punong Guro, Ina ng Distrito ng Mogpog, Tagamasid Pampurok, at Kgg. Mayor Senen M. Livelo, Jr. (Tingnan ang kalakip na programa.)
Ikalawang Bahagi (Paligsahan)
A. Sabayang Bigkas
Ang paligsahang ng sabayang bigkas na ito ay para sa ika – lima at ika – anim na baitang ng Distrito ng Mogpog na binahagi sa bawat SONA.
1. Mga kalahok na paaralan (Sang – ayon sa kanilang pagtatala)
(1) Sumangga
(2) Bintakay
(3) Magapua / Butansapa
(4) Capayang / Ino / Hinanggayon / Argao
(5) Balanacan / Silangan / Paye / Guisian
(6) Mogpog Central School
2. Mga Tagahatol
(1) Gng. Wiza Guerrero
(2) Gng. Liza Olavidez
(3) G. Robert Lazo
3. Kriterya sa Paghatol
Interpretasyon 60 %
Piyesa 15 %
Pagkamalikhain 10 %
Sangkap Teknikal 5 %
Hikayat sa Madla 10 %
100%
4. Mga Nagwagi
SONA PAARALAN KATAYUAN GURONG TAGASANAY
1 Sumangga Elem. School 1st Runner Up Mrs. Alita Marciano
2 Bintakay Elem. School 2nd Runner Up Mrs. Romelie Mangui
3 Cap – Ino – Hinanggayon – Argao Elem. School 2nd Runner Up School Heads and Filipino Teachers of C. I. H. A.
2 Magapua / Butansapa Elem. School 3rd Runner Up Filipino Teachers of Magapua andButansapa
3 Bal – Silangan – Paye – Guisian Elem. School 4th Runner Up School Heads and Filipino Teachers
1 Mogpog Central School Champion Edna Lambon and Rosalinda Ibuyan with the help of Intermediate Teachers
5. Gantimpala
1. Ang mga nagwagi sa paligsahang ito ay:
Champion Php 2,000.00 at katibayan
1st Runner Up Php 1,500.00 at katibayan
2nd Runner Up Php 850.00 at katibayan
2nd Runner Up Php 850.00 at katibayan
3rd Runner Up Php 800.00 at katibayan
4th Runner Up Php 700.00 at katibayan
Ang gantimpalang salapi at katibayan ay sa kagandahang – loob ng Pamahalaang Bayan ng Mogpog sa pamamagitan ng Punong Bayan Senen M. Livelo, Jr.