Friday, December 16, 2011
MARTSA DE LA MOGPOG SENTRAL
MARTSA DE LA MOGPOG SENTRAL
Mahal naming Paaralan
Mogpog Sentral ang Pangalan
Guro’t Magulang may unawaan
Nagkakaisa sa isang adhikain
Karunungan ng bawat isa
Nagmula sa’yo sinta
Tagumpay ng bawat isa
Nakasalaysay inang paaralan
Mogpog Sentral
Pangala’y di lilimutin
Dunong yaman at tagumpay
Sayo lamang iaalay
Paaralang Mogpog Sentral
Ang sulo ng tagumpay
Ikaw sami’y naging tanglaw
Siyang nag-ukit ng katalinuhan
Pag-asa ng ating Bayan
Ikaw pa rin ang dahilan
Lahat kami ngayon sayo’y nagpupugay
Paaralang Mogpog Sentral!!!
Lahat kami ngayon sayo’y nagpupugay
Mabuhay ka Inang Paaralan
Mogpog Hymn
MOGPOG HYMN
Titik: Hildithia “Daisy” N. Osinsao
Musika: Celeste Manrique-Romulo
A.
Mogpog naming minamahal
Bayan naming sinilangan
Buhay dito ay tahimik
kahit salat sa yaman
‘Yan ang bayan naming minamahal
B.
Likas sa mga tagarito
ang pagiging matulungin
Dumaramay kanino man sa mga gawain
Mahilig sa kasiyahan, magalang, madasalin
masipag, matiyaga at malikhain.
Repeat A
May sariling kultura at mga kaugalian
na minana sa ninuno at mga magulang
Moriones at Putong, Buling Buling at Anunsyo
kulturang aming pinagyayaman.
Repeat A
Mogpogueño, Mogpogueño yan ang
tawag sa aming tagarito.
Mogpogueño, Mogpogueño magmahalan
lahat tayo.